Sabado, Marso 4, 2017

Talumpati: Reyalidad Tungkol sa Pagpapatiwakal


Reyalidad Tungkol sa Pagpapatiwakal

Alam kong lahat tayo ay alam na ag salitang suicide, pagpapatiwakal o pagpatay sa sarili. Laganap na sa ating lipunan, bansa, at sa buong mundo ang mga pangyayaring ito. Masakit mang isipin pero kahit saang sulok ka man ng ating lipunan magpunta ay hinding hindi natin maitatago at matatakasan ang reyalidad na ang pagpapatiwakal ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkaubos ng bilang ng tao. Naririnig natin sa mga balita sa T.V., radyo at iba pa na kahit sampung taong gulang ay kinitil n’ya ang sariling buhay. Maraming nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason, sleeping pills na sobrang dami at asido; hininhiwa ang kamay, liig, at kahit ano mang parte ng kanilang katawan; pagtalon sa mga matataas na building; pagbaril sa sarili at iba pang paraan ng pagkitil ng sariling buhay.
Araw-araw habang naglalakad ka ay marami kang nakasasalubong na mga taong nakangiti, nakaririnig ka ng sobang lakas na halakhak, mga taong wala kang makikitang problema dahil sa sobrang bait at hinhin. Pero maniwala ka man o sa hindi, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Kadalasan ngayon, kung sino pa iyong masaya at nakangiti ay sila iyong may sobrang laking problema, sobrang laking takot at sobrang bigat ng pinapasan na sakit. Pero wala kang maririnig sa kailang reklamo, daing at kahit na iyak. Ang mga taong ito, sila iyong mga taong mas malapit sa suicide. Balang araw mabibigla ka nalang na nabalitaan mong wala na sila, tinapos na nila ang buhay nila. 
Alam mo kung ano iyong problema sa tao? Iyong may pakialam lang sila kung tapos na, maawa lang sila kung wala na, huli na ang lahat. Iyan iyong sobrang pagkamamali natin, iyong wala tayong pakialam, pinapabayaan lang natin ang buhay ng mga taong nasa paligid natin, hindi tayo nakikinig sa mga daing nila, at sobrang bilis lang nating maniwala sa mga ipinapakita ng mga tao sa atin. At saka lang natin mababatid na suicidal na siya kapag may nakikita na tayong sugat, kapag nasa hospital na ito. Pero bigla ka nalang maawa kapag may nangyari na, kapag tinapos na nila iyong buhay nila.

Madalas sa atin ay sinasabing “desisyon n’ya ‘yan,” “kasalanan n’ya kung bakit siya namatay kasi pinili n’ya,” “kasalan ang magpakamatay kaso ginusto ‘nya,” at “ang dali ‘nya kasing sumuko sa buhay kaya ganyan.” Hindi ba ninyo naisip kung ilang ulit na siyang lumaban, kung gaano karaming beses na siyang tumayo kahit ilang ulit na siyang bigo at nadapa bago siya sumuko? Siguro sinasabi niyo iyan kasi hindi niyo pa naranasan ang magpakamatay, hindi niyo pa naranasan kung gaano kahirap ang buhay ng mga taong nagpapakamatay. Oo, death is a choice at madalas death is the only choice. Siguro iyong mga nagpapakamaty ay wala na silang nakitang dahilan para mabuhay, siguro sawang sawa na sila sa sakit, pagod na pagod na sila sa problema at siguro noong buhay pa sila ay walng nagpararamdam sa kanilang buhay pa sila. Ang mga taong ito, nagpapakamatay sila hindi para tapusin ang buhay nila, kung hindi ay para tapusin ang sakit at paghihirap na nararamdaman nila. Kaya kung maaari ay huwag tayong basta-basta nalang maghusga, tumulong tayo sa kapwa natin. Kung may problema ka, sabihin mo, ipalabas mo, dahil baka balng araw ay sumabog ka dahil hindi muna kinaya. Huwag natin itong isawalang bahala, hindi ito isang biro. Huwag nating hayaang mas dumami pa ang bilang ng mga taong nagpapakamatay.


Linggo, Pebrero 26, 2017

Posisyong Papel



Posisyong Papel

Isa sa mga tumakbong kandidato noong halalan 2016 bilang presidente ay ang Mayor ng Davao na si Rodrigo Duterte. Mayroon siyang magandang reputasyon bilang Mayor sa kanilang lungsod. Pero noong nagsimula na siyang tumakbo bilang presidente ay nagsimula naring magbato ng iba't ibang masasama o maling isyu tungkol sa kanya.

Si Sen. Antonio Trillanes IV, isa sa mga tumatakbong kandidato bilang bise-presidente sa taong 2016 ay nag-akusang mayroong nakaw na yaman ang pamilya Duterte.Isa na rito ay ang bank account daw ni Duterte, ang mga bank account sa BPI o Bank of Philippine Islands. Ang BPI sa Cubao, Quezon City na nasa Julia Vargas Branch. Ayon kay Trillanes meron itong lamang P211 000 000 na pera. Sumang- ayon naman dito si Mar Roxas. Si Roxas ay isa sa mga tumatakbong presidente na kagaya ni Duterte. Ayon kay Roxas, ang BPI account ni Duterte ay totoo at pinatunayan niya ito sa pamamagitan nang pagpapakita ng transaksyon na ginawa ni Duterte kaugnay sa kanyang Bank Account. Ayon din sa panayam  ni Roxas, "He (Duterte)  had said the accounts were fabrication, and now they're proven to exist, he refuses to sign the waiver to open his accounts. He's always like that in any issue. If he's confronted with the truth, he resorts to cursing, insulting others 
while trying to evade and change the issue."

Totoo na mayroon bank account si Duterte sa BPI, pero hindi totoong mayroon itong lamang P211 000 000. Ang kanyang bank account ay naglalaman lamang ng perang hindi aabot sa isang milyon. Pinatunayan din ito ni Duterte sa pamamagitan nga pagpapakita ng kanyang mga passbook at sinasabi rito na ang kabuoang laman lamang nito ay P128 829.34. Ayon sa kanya, halos ang laman ng kanyang mga bank account ay galing sa kanyang mga supporters at kaibigan na si Apollo Quiboloy. Ibinigay ito sa kanya bilang regalo sa kanyang kaarawan. At wala namang masama kung tumanggap siya ng pera galing sa kanyang matagal ng kaibigan. Kung totoo nga na ganoon kalaki ang pera sa kanyang bank account, bakit hindi man lang aiya hinuli o inimbistigahan ng BSP at AMLC. Kung totoo nga na 
bilyon-bilyon ang kanyang pera, ang ibig sabihin noon ay ang BSP at AMLC ay hindi mapagkatitiwalaan, mga sinungaling at mga iresponsable? At ang malaking tanong, bakit ngayon lang inilabas ang mga isyu na ito?

Malinaw na isa sa mga black propaganda ang isyu na ito. Isa lamang itong isyu na itinatapon kay Duterte upang siya ay masiraan sa mga tao. Hindi totoong si Duterte ay isang magnanakaw o korap. Matapat siya sa kanyang trabaho, mapatutunayan ito dahil makikita naman natin kung gaano kaunlad at kalaki ang mga pagbabagong nagawa ni Duterte.