Isa sa mga tumakbong kandidato noong halalan 2016 bilang presidente ay ang Mayor ng Davao na si Rodrigo Duterte. Mayroon siyang magandang reputasyon bilang Mayor sa kanilang lungsod. Pero noong nagsimula na siyang tumakbo bilang presidente ay nagsimula naring magbato ng iba't ibang masasama o maling isyu tungkol sa kanya.
Si Sen. Antonio Trillanes IV, isa sa mga tumatakbong kandidato bilang bise-presidente sa taong 2016 ay nag-akusang mayroong nakaw na yaman ang pamilya Duterte.Isa na rito ay ang bank account daw ni Duterte, ang mga bank account sa BPI o Bank of Philippine Islands. Ang BPI sa Cubao, Quezon City na nasa Julia Vargas Branch. Ayon kay Trillanes meron itong lamang P211 000 000 na pera. Sumang- ayon naman dito si Mar Roxas. Si Roxas ay isa sa mga tumatakbong presidente na kagaya ni Duterte. Ayon kay Roxas, ang BPI account ni Duterte ay totoo at pinatunayan niya ito sa pamamagitan nang pagpapakita ng transaksyon na ginawa ni Duterte kaugnay sa kanyang Bank Account. Ayon din sa panayam ni Roxas, "He (Duterte) had said the accounts were fabrication, and now they're proven to exist, he refuses to sign the waiver to open his accounts. He's always like that in any issue. If he's confronted with the truth, he resorts to cursing, insulting others
while trying to evade and change the issue."
Totoo na mayroon bank account si Duterte sa BPI, pero hindi totoong mayroon itong lamang P211 000 000. Ang kanyang bank account ay naglalaman lamang ng perang hindi aabot sa isang milyon. Pinatunayan din ito ni Duterte sa pamamagitan nga pagpapakita ng kanyang mga passbook at sinasabi rito na ang kabuoang laman lamang nito ay P128 829.34. Ayon sa kanya, halos ang laman ng kanyang mga bank account ay galing sa kanyang mga supporters at kaibigan na si Apollo Quiboloy. Ibinigay ito sa kanya bilang regalo sa kanyang kaarawan. At wala namang masama kung tumanggap siya ng pera galing sa kanyang matagal ng kaibigan. Kung totoo nga na ganoon kalaki ang pera sa kanyang bank account, bakit hindi man lang aiya hinuli o inimbistigahan ng BSP at AMLC. Kung totoo nga na
bilyon-bilyon ang kanyang pera, ang ibig sabihin noon ay ang BSP at AMLC ay hindi mapagkatitiwalaan, mga sinungaling at mga iresponsable? At ang malaking tanong, bakit ngayon lang inilabas ang mga isyu na ito?
Malinaw na isa sa mga black propaganda ang isyu na ito. Isa lamang itong isyu na itinatapon kay Duterte upang siya ay masiraan sa mga tao. Hindi totoong si Duterte ay isang magnanakaw o korap. Matapat siya sa kanyang trabaho, mapatutunayan ito dahil makikita naman natin kung gaano kaunlad at kalaki ang mga pagbabagong nagawa ni Duterte.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento